Devlin Cervantes (WICKED INTENTIONS) Snippet #1

Cheska hustled her way towards the limo. Ang sabi ni William ay naroroon daw ang amo nito at kanina pa naghihintay na makausap siya.

She knew then it’s not William’s mouth that’s gonna be on the tail end of her razor-sharp cigarette heels that lazy Wednesday afternoon.

Ang hudyong iyon! Ano’ng akala niya sa amin mga squatters na pwede niyang palayasin anumang oras niya gustuhin?

Hindi pa man siya tuluyang nakalalapit ay bumukas na ang isang pinto ng sasakyan at umibis mula roon ang isang matangkad na lalake. Bigla siyang natigilan, napalunok. Oh my!

Standing before her was the precise definition of a gorgeous man in a dark gray Hugo Boss pinstriped business suit, oozing with waves of animalistic appeal.

The man was flawlessly built and devastatingly handsome. Hindi siya nakaimik at nakagat pa yata niya ang kanyang dila. Literally!

“Good afternoon, Ms. LaGuardia.” Ngumiti ito, showing an irritatingly perfect set of teeth.

Patawarin siya nina Jack at Georgie pero ngayon pa lamang ay tila gusto na niyang ibigay ang rental contract pati na rin ang kanyang sarili sa lalakeng ito. Natigilan siya.

Ibigay ang kanyang sarili?! She chastised herself for the atrocity of her thoughts.

She quietly gathered her scattered poise and momentarily looked away. My God, hindi dapat malaman ng kunehong ito kung gaano siya ka-HOT!

She sucked in a lot of air to calm her nerves. Minemorya niya ang lahat ng kanyang nais sabihin. Devil Cervantes was the one who drew first blood and she wasn’t gonna let him get away with it!