Devlin Cervantes (WICKED INTENTIONS) Snippet #2

Cheska saw him walk away with an irked expression, kaya isinuot niya ang kanyang printed sarong at lumapit sa kinaroroonan ng mga lalaki.

“Hi, Cheski, what do you want to drink?" Si Seth ang agad na bumati sa kanya. "Steady ka lang diyan at magpapakuha ako.”

Humaba ang leeg niya sa kakatanaw kay Devlin. His footsteps were livid and he looked like he had no plans of turning back. “Where is he going?”

“Maghahanap na lang daw siya ng iba kasi ayaw mo naman sa kanya,” nanunuksong singit ni Nate.

Napamulagat siya. “Nick is that true? Seth?”

Seth shrugged with a wicked smile playing on his lips. Si Nick naman ay balewalang pinaglaro ang mga daliri sa ibabaw ng puting lamesa.

Umupo siya sa tabi ni Nick. “Ano bang sinabi niya sa inyo?" She repeatedly tugged on his board shorts. "Did he meet anyone here?”

Golly, hindi naman yata siya makakapayag na mangyari ang ganoon sa kanila ni Dev. She was the wife— ahem— future wife and no island slut was allowed within his three-inch radius!

“Cheski, you girls outnumber us ten-to-one." Si Seth. "You do the math. Kawawa naman ang ibang babae kapag hindi nakatikim ng grasya.”

“There goes your answer,” Nate murmured.

Nanunumbat niyang tinitigan ang mga ito. “How about love and romance!?”

“Mizz Love and Mizz Romance are the names of sexy bar room strippers I met at Ibiza." Seth answered with a shrug. Naglagay ito ng ice sa hawak na baso. "Nothing more.”

Ngumiti si Nate. “Bitter ka lang yata, Pare.”

“Bitter talaga ako. Namputsa, ginamit lang ng mga babaeng iyon ang katawan ko." iiling-iling na wika ni Seth. The seriousness on his face elicited low chuckles from his friends.

“Pero mukhang mas bitter ang isang iyon nang umalis kanina,” biro uli ni Nate. “You better watch out, Cheska. Baka ipagamit na lang ‘non ang katawan sa ibang babae dahil sa sobrang bitterness.”

Her air pipes constricted. Hindi siya makapaniwalang magagawa ni Devlin ang bagay na iyon sa kanya. Despite all his faults, she knew he was still an honorable man. “He would never do that to me!”

“With all the Mexican models who arrived this morning,” Seth teased her further. “I doubt it. Mahilig pa naman sa mga seksing Latina iyang si Cervantes.”

“Aah, love those women!” Nate directed his glance at her. “Ang lalakas umungol, Pare. Sobrang wild pa sa kama. Ang swerte ng kaibigan natin kapag nagkataon.”

“Yeah, tingin ko sa mga iyan parang palaging mauubusan. Más rápido, por favor, por favor!” Seth replicated a female accent. “Me vuelves loca!”

Tumawa si Nate. “What else can I say? Moaning is a universal language.” Nag-toast ang dalawa, sa kanya pa rin nakatingin. “To Devlin and his hot Mexican babe!”

Nalukot na ng husto ang kanyang mukha.

“Tumigil na nga kayong dalawa,” maya-maya pa ay saway ni Nick sa mga ito. “Huwag kang maniwala sa kanila. Ginu-goodtime ka lang ng mga ‘yan.”

She noticed Nick had been the most protective of them, women. Ang sabi nila ay talagang ganoon ito sa mga babaeng malapit rito lalo na sa kapatid nitong si Alessandra.

“Sipsip!” ngingiting wika ni Nate. “Na-in love ka lang bigla nang nag-iba ang ugali mo.” Nanatili pa rin siyang nakasimangot. Her brain readily concocted an elaborate game plan.

“Ano bang in-love ang pinagsasabi mo?” natatawa na ring sabi ni Nick, sumipa ng buhangin papunta kay Nate. “Si Devlin na lang kaya ang pag-usapan natin. ‘Wanna make a bet?”

“W-what kind of bet?” she asked curiously.

Ngumisi si Seth, naglabas ng ilang lilibuhin mula sa kanyang pitaka. “Ten thousand bucks says Cervantes will finally get laid tonight,” sabi nito bago uminom ng beer. “Who’s in?”

“Well, ten thousand bucks says I’m gonna cut his junior if I see him with another woman!” singit niya na ikinahagalpak ng tawa ng lahat.

"Dear God," nangingiti pa ring wika ni Nate habang umiinom ng beer. "Please have mercy on his soul."

“Nick, be a sweetheart and tell Georgie I had to go somewhere." Taas noo niyang tinitigan ang mga kausap at nameywang. "Meron lang akong importanteng gagawin.”

She followed Devlin’s trail to the restaurant with smoke piping out of her nostrils. Susundan niya ang lalakeng iyon at baka kung sino na ang nilalandi nito habang wala siya!